Nahulog ang lapis

Dear Dream Catcher,

Napanaginipan kong magsusulat daw ako pero nahulog at gumulong ang lapis. Sa pana­ginip ko, umupo ako sa sahig at hinahanap ko kung saan napunta ang lapis ko. Ano po ang kahulugan ng ganitong panaginip?

Cherry

Dear Cherry

Ang lapis ay ginaga­mit para magsulat. Ang pagsusulat ay ginagamit din sa pakikipagkomunikasyon. Ang panagi­nip na hinahanap mo ang isang lapis ay indikasyon na posibleng merong isang sitwas­yon sa aktuwal na buhay kung saan nahihirapan kang sabihin ang saloobin mo.

Ang panaginip na naihulog mo ang isang bagay ay indikasyon naman na pinapakawalan mo na ang isang proyekto, isang ideya, isang relasyon, isang ops­yon o posibilidad. Ito ay sumisimbolo sa terminong ‘letting go’ na puwedeng ikonek sa isang pagpapalaya, maaaring sa isang tao o maaring pagpapalaya mo sa sarili mo. Puwedeng ikonsi­dera ang iyong pana­ginip na mensahe ng iyong subconscious na gusto mong palayain ang sarili mo sa isang sitwasyon na hindi ka na komportable.

Puwedeng ang iyong panaginip na hindi mo na makita ang nahulog mong lapis ay mensahe mo sa iyong sarili na ito ang dapat mong gawin: i-let go mo na ang isang bagay o isang pangyayari at mas piliing mawala na lamang ito sa iyong buhay.

Ang pana­ginip din sa isang lapis na hindi mo makita ay puwedeng ikonek kung sa aktu­wal na buhay ay nakakaranas ka ng hirap na makipag-usap sa ibang tao. Kung saan sa halip na lapis ay boses mo ang nawawala kapag nasa isang mahirap na sitwas­yon ka o kapag may kaharap kang ibang tao. Isang halimbawa nito kung tila nahihirapan kang i-express ang sarili mo kapag may ibang taong kaharap.

Sa kabuuan, pag-aralan kung ano talaga ang sitwasyon mo sa buhay na maaaring nagdudulot ng pag-aalala sa iyo. Hana­pin kung saan parte ng buhay mo mas maire-relate ang lapis at ang pagkawala nito.

Dream Catcher

***

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating pana­ginip. Wala itong kinalaman sa relihi­yon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang pana­ginip, mag-email sa abantedreamcat­cher@gmail.com.