Nahulog sa hagdan ang apo

Napanaginipan ko ang apo ko na nahulog sa hagdan. Ang weird pa, parang nakaupo siya ­paharap sa akin at parang slow motion na nahuhulog habang nasa taas ako ng hagdan. Tinangka ko pa daw na abutin ang kanyang kamay para hindi siya mahulog pero hindi ko siya na­hawakan. Ano ang ibig sabihin ng pana­ginip ko?

Ang panaginip tungkol sa pagkahulog ay puwedeng ikonek sa pagkawala ng iyong kontrol. Habang ang iyong apo ay simbolo naman ng iyong pa­milya. Ang hagdan ay sumisimbolo naman sa pagtaas o pagbaba na maaaring may kinalaman sa iyong kalaga­yan o sitwasyon sa buhay.

Kung pagsasamahin ang mga simbolismong ito, maaari mong ikonek ang iyong pana­ginip sa isang sitwasyon sa pamilya. Pag-aralan mo kung ano ang pinagdaraanan mo ngayon na sitwasyon na may kina­laman sa iyong pamilya.

Isipin kung saang bahagi ng iyong pa­milya ka nawawalan ng kontrol. Saang sitwason mo naramdaman na ang dating mataas na posisyon mo ay luma­lagapak?

Halimbawang ikaw ang tumatayong head of the family, may pangyayari ba na naramdaman mong tila nawala na ang iyong boses bilang dating tinitingala at pinakikinggan ng lahat sa iyong pamilya? Kung merong ganitong sitwasyon, ito ang maikokonek mo sa pagkahulog ng iyong apo sa hagdan kung saan nakatingin pa siya sa iyo at tinangka mo siyang abu­tin para masagip pero wala kang nagawa dahil nahulog pa rin ang iyong apo.

Kung wala namang ganito, meron ka bang isang pagbabagong pinag-iisipan kung saan kailangan mo nang bitawan. Halimbawang sa isang pakikipagrelasyon kung saan gusto mo mang magpatuloy pero alam ng isip mong kailangan mo nang bumitaw o maaaring sa iyo kusang bumibitaw at ikaw ang maiiwan.

Maaari ring wakeup call ang iyong pana­ginip. Posibleng hindi pa nangyayari ang pagkawala ng iyong kontrol. Posibleng pinaalalahanan ka lamang ng iyong subconscious na harapin ang sitwasyon bago tulu­yang mahuli ang iyong aksyon.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispirit­wal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang pana­ginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.