NAIA Ramp 1 madadaanan na

Maaari nang daanan ang Ramp 1 ng Ninoy Aquino­ International Airport Expressway (NAIAx) na magkokonekta sa NAIA Terminal 3 sa Andrews Avenue hanggang Skyway.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong araw, Nobyembre 4 ay ­bubuksan ang nasabing daanan na magagamit ng mga motorista patungo at palabas ng NAIA.

Sinasabing itinayo ang Ramp 1 sa panulukan ng Andrews Avenue at Sales Street sa Parañaque City na magsisilbing entry point ng mga sasakyan na manggagaling sa Andrews Avenue patungo sa Skyway.

Sinasabing ang pagbubukas ng Ramp 1 ay pansamantala lamang hangga’t ang permanenteng koneksyon sa Skyway ay makumpleto.

“The existing Skyway On-Ramp at Sales Street near Villamor Air Base will be demolished by the concessionaire Vertex Tollways Dev’t. Inc. through their EPC contractor, D.M. Consunji, Inc.,” ayon sa DPWH.

Kumpiyansa ang DPWH na sa pagbubukas ng NAIAx­ Ramp 1 ay makakabawas sa trapiko sa Andrews Avenue at sa lugar ng NAIA Terminal 3.