Nailigtas na Marawi hostages magandang senyales – Palasyo

Kumpiyansa ang Ma­lacañang na abot-kamay na ang paglaya ng Marawi City mula sa kamay ng mga terorista.

Kasunod ito ng ulat na nailigtas ng tropa ng pamahalaan ang labimpitong bihag ng Maute terror group kahapon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na nagkakaroon na ng positibong development ang halos limang buwang pakikipagbakbakan ng mga sundalo laban sa mga teroristang grupo.

Kakaunti na lamang aniya ang natitirang puwersa ng Maute group subalit hindi pa rin bumibigay at sinisikap pa ring makisabay sa pu­wersa ng gobyerno.

“We see this as a positive development towards the liberation of Marawi from the hands of terrorists. While rebels remain holed up in a small portion of the city, they show tenacity and resistance,” ang sabi ni Abella.

Hangad ng Palasyo na matuldukan na ang rebel­yon sa lungsod at tulu­yang mabawi ang Marawi City.