Kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin na isang 28 anyos Pinay crew ng isang cruise ship na nakadaong sa Port Bridgetown Barbados, ang nagbigti sa loob ng kanyang cabin matapos na muling masuspindi ang kanyang repatriation flight pabalik sa Pilipinas.
Kinilala ni Locsin, ang filipina na si Maria Jocson,28,assistant waiter ng RCI-Royal Caribbean cruise ship na nakadaong sa Port Bridgetown Barbados.