Naka-pekpek shorts bawal sa Caloocan

Hindi pa man summer ay nauuso na ang pagsusuot ng mga maiikling shorts lalo na sa mga kababaihan. Ito’y para sa kasuotang kumportable o kaya naman ay para maipakita ang kanilang alindog.

Pero bawal na ­ngayon sa Caloocan City ang pagsusuot ng maiikling shorts na kung tawagin ng iba ay ­pekpek shorts na sa ­sobrang ikli ay halos makita na ang singit ng nagsusuot nito.

Layunin kasi ng pamahalaang lokal ng Caloocan City na maiiwas ang kababaihan lalo na ang kaba­taan sa pambabastos dahil sa suot nilang nakakaaliw sa mata ng kalalakihan.

Nakasaad sa ilalim ng City Ordinance No. 0439 Series 2007 na mahigpit na ipagbabawal ang pagsusuot ng maiikling shorts, lalo na sa mga ­babae at mga walang damit na pang-itaas naman para sa kalalakihan.

Nakasaad sa ordinansa na bibigyan ng warning sa unang paglabag, P500 multa sa ikalawang pag­labag at P1,000 at pagkakulong ng hindi hihigit sa dala­wang araw sa ikatlong pagkakahuli.

Kung walang pam­b­ayad ay papatawan ng community service. (Vick Aquino)