Nakakainggit na record sales

Huwag kayong ka­yong mahuhulog sa inyong upuan kapag nakita ninyo ang total sales sa tatlong karerahan sa Japan sa isang araw: Umabot sa Yen 17,554,304,200 (US175-million o P8.25-billion)!

Sabado pa lang ‘yan, wala pa ang sa Linggo nang ginanap din ang Singapore, Macau at Philippine Trophy Races sa Chukyo Racecourse. Mas di-hamak na napakarami ang nagsidatingan doon at lumobo ang attendance at sales nang araw na ‘yun.

Kinabukasan, Linggo, dumagsa ang racing aficionados at marami ang nagdala pa ng kanilang pamilya. Uma­bot sa 16,697 ang pumasok sa Chukyo Racecourse. Nakapaglista na ng kabuuang 3,492,306 racing fans na pumunta sa 10 karerahan ng JRA mula Enero 1 hanggang Hulyo 17.

Dahil tuwing Linggo ang tradisyunal na mataas ang benta, umabot ito sa Yen 7,302,535,000 (US$73,025,350 o P3.43-billion) doon lang sa Chukyo Racecourse.

Simulcast ang dalawa pang karera sa Fukushima at Hakodate Racecourses, umabot sa Yen26,607,409,100 (Us$266-million o P12.5-billion) ang total handle ng araw na yun sa tatlong JRA racecourses!

Enero 1 hanggang noong Hulyo 17, ang total handle sa 10 JRA courses ay umabot sa Yen 1,499,018,868,200 (US$14.99-billion o P704.53-billion)!

Hindi kataka-taka na Japan ang pinakamala­king bansa ngayon sa karera sa buong mundo. Grabe ang pagkaseryoso nila sa kanilang pa­ngangarera.

Isa pa, matindi ang pagmamahal na idinudulot ng mga namamahala sa JRA sa pamumuno ng president at CEO na si Masayuki Goto.