NAKAKAINIP!

TV

INIP na inip na ang fans sa pagsisimula ng isang bagong series ng isang top TV network.

Marami ang nakapansin na parang hindi na pinag-uusapan ang tungkol sa series na ‘yon at maging ang nasabing top TV network ay tahimik na lang tungkol doon.

May balak ba ang top TV network na ipalabas kaagad ‘yon o saka na lang nila sisimulan?

May tsika ring baka tapusin na nila ang isang morning series nila at sa timeslot na lang na ‘yon ilagay ang canned TV series na unang plinano nilang ipalabas sa primetime.

Ang tsika, sakaling ipalabas ‘yon, two months lang tatakbo ang nasabing TV series.

Well, walang problema sa bidang aktor. Ngayon pa lang ay may bago na itong TV series na sisimulan na rin ang taping.