Nakakamatay ang balimbing

julius-segovia

Dahil election season, uso na naman ang balimbing. Sila ‘yung mga politikong palipat-lipat ng partido. Sasama kung saan mas malaki ang tsansang manalo. Kaya biruan na ang salitang ito sa mga kandidatong hindi mapakali sa puwesto ngayong botohan.

Pero nakababahalang nakamamatay pala ang balimbing. Oo tama kayo ng basa, nakamamatay nga ang balimbing. Paglilinaw lang, hindi tao ang tinutukoy ko rito – kundi prutas.

Nataon namang balimbing din ang Fi­lipino term sa prutas na ‘star apple’ na karaniwang namumu­nga sa mga tropical country gaya ng Pilipinas. Tinawag itong ‘star apple’ dahil hugis bituin ito kapag hiniwa.

Ayon sa mga pag-aaral, may ‘harmful effect’ o kung minsan nga’y ‘deadly’ pa ang pagkain ng balimbing ng mga tao na may kidney problem. May to­xic substance kasi ito na kung tawagi’y ‘neurotoxin’. Maaari raw nitong maapektuhan ang utak ng isang tao at magdulot pa ng neurological disorders.

Kung normal at healthy ang iyong kidneys, kaya raw nitong iproseso ang naturang toxic substance palabas ng iyong katawan. Pero kung may kidney di­sease, imposible raw ito. Mananatili sa katawan ang toxic substance at malamang na magdulot pa ng komplikasyon.

Ang pagkain ng balimbing na walang laman ang tiyan ay posible ring magdulot ng star fruit toxicity. Kasama sa sintomas nito ang panghihina, pagkahilo, insomia, seizure at hiccups. Oras na tamaan ka nito, kaila­ngang sumailalim sa dialysis. Sabi rin ng mga medical expert, mahirap nang maibalik sa normal ang proseso ng iyong kidneys kapag tinamaan ka ng star fruit to­xicity.

Ang sa akin lang, importante pa ring kumonsulta sa mga eksperto kaugnay sa pagkain ng balim­bing lalo na kung may kidney disease ang isang tao. Pero kung wala ka namang sakit sa bato, puwedeng kumain basta hinay-hinay lang din.