Nakalulungkot na realidad sa problema ng droga

letter_to_editor-box

Dear Sir:

Hindi lamang mga terorista at ordinaryong mamamayan kundi pati ang mga pulitiko at mga taong naglilingkod dapat ng matapat sa gobyerno­ ay dawit din sa iligal na droga.

Nakakalungkot isipin na ang mga taong iniluklok ng sambayanan­ na siyang dapat pipigil­ at pupuksa sa pagkalat ng droga ay mga sangkot din pala rito.

‘Yung mga taong pinagkakatiwalaan at akala ng marami na gagawa ng paraan upang supilin ang droga na siyang sumisira sa buhay ng maraming Pilipino at sa lipunan ay sila rin palang may pakana sa pagpapalawig nito.

Talaga nga namang malaki ang epekto ng droga maging ang bentahan nito sa tao ultimo ang mga men in uniform mataas man o mababa ang ranggo ay nadadawit na rin dito.

Mga tagapaglikha at tagapagpatupad ng batas ay sila rin palang sisira at tatalikod dito.

­Sana sa administrasyong Duterte hindi man tuluyan­ at ­biglaang masupil ang droga ay magkaroon ng pagbabago at mabawasan ang bilang ng mga gumagawa, nagbebenta at gumagamit nito.

NIKKI SERRANO
Baguio City