(UPDATE) Naglabas na ng ulat ang Philippine National Police (PNP) sa nangyaring pamamaril at panununog kaninang madaling araw sa Resorts World Manila sa Lungsod ng Pasay.
Ayon kay PNP chief Ronald dela Rosa, robbery o pagnanakaw ang motibo ng naghorumentadong lalaki sa ikalawang palapag ng hotel.
Inilarawan ni dela Roda ang nag-iisang suspek na malaking bulas, foreigner-looking at may dalang long firearm.
Pinagbabaril umano ng suspek ang LCD screen ng casino, pero walang tinamaang players.
Lalong nagkatensyon at dali-daling nagpulasan ang mga nagsusugal nang silaban umano ng suspek ang mga lamesa ng casino.
Ni-ransack ng suspek ang storage room ng mga casino chips at kinuha ang nasa P130 milyong halaga ng mga chips.
Kinumpirma ng PNP na napatay na nila ang suspek matapos itong manlaban at nakipagbarilan sa operatiba sa ikalimang palapag ng hotel.
INAKO NG ISIS
Samantala nilinaw ng PNP chief na wala pa silang nakikitang indikasyon na terror attack ang nangyari, kahit inako ng ISIS ang insidente.
Ayon kay dela Rosa, walang direktang sinaktan ang napatay na suspek kaya imposibleng kagagawan ito ng mga terorista.
Sa pagtatanong National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde sa mga nakasaksi sa insidente, para umanong lulong sa sugal at tila nababaliw ang suspek.
Base sa inisyal na imbestigasyon, nakitang dumaan ang suspek sa carpark ng Resorts World at dumiretso sa lobby ng casino.
Bitbit umano nito ang isang long firearm at isang container na may lamang gasolina nang pumasok ito sa casino ng hotel.

Pages: 1 2

One Response

  1. itidil mo yan BUNGA-NGA mo BATO!!! puro ka na lang ISIS,,,ikaw na nga nagsabe walang ISIS,,tapos ISIS ka ng ISIS,,,pareho lang kayo ng AMO mong may SAYAD,,,BUKING na kayo ni DUTERTE,,wag na kayong mangUTO….