Dear Sir:

Ginigiit pa rin si PSupt. Maria Cristina­ Nobleza na trabaho ang kaniyang ginagawa ng mahuli sa checkpoint noong Sabado sa Bohol kasama ang boyfriend na Abu Sayyaf na si Rennour Lou Dongon.

Walang maiprisinta na operation plan si Nobleza sa mga pulis. Kanyang inamin na plano nilang i-rescue ang isang miyembro ng Abu Sayyaf na sugatan sa bakbakan sa Clarin, Bohol.

Dapat na maimbestigahan din ang mga nakatrabaho ni Nobleza. Maaaring mayroon pang kasabwat ang mga ito o mayroong sangkot sa ASG. Wala naman dapat na ikabahala ang mga nakatrabaho ni Nobleza kung talagang wala naman silang kinalaman sa ASG.

Hindi kukunsintihin ng pamahalaan ang ganitong pangyayari nasa pwesto man o wala ang mga nasasangkot na “men in uniform”. Ang mahalaga rito ay nabawasan ang sablay na opisyal na sumisira sa da­ngal at dignidad ng ating kapulisan.

Maling-mali ang pagkampi niya sa ASG na siyang pangunahing kalaban ng organisasyong kanyang kinabibilangan.

Mark Talledo
Cebu

Desididong lagasin ang mga rebelde

Dear Sir:

Napag-alamang tatlo ang Indonesians at isa ang Malaysian na kasapi ng Jemaah Islamiyah (JI) terro­rist group ang kabilang sa mga napatay ng militar.

Ayon kay AFP chief of staff General Eduardo Año, na ang apat na dayuhang terorista sa 37 bandido ay napatay sa Lanao del Sur. Patuloy ang follow up at mopping up operations ng pinagsamang-pwersa­ ng Army, Navy at Air Force ng atakihin ang teritoryo ng Maute terror group sa Piagapo.

Pursigido ang Hukbong Sandatahan na lagasin ang mga rebeldeng grupo, hindi lamang ang Abu Say­yaf at NPA. Lahat ng banta sa seguridad sa ating bansa at sa ating mamamayan ay buong sigasig na tinatrabaho ng ating kasundaluhan.

Habang mayroon pang pagkakataon sana ay sumuko na ang miyembro ng iba’t ibang grupong lumala­ban sa gobyerno. Isipin pa rin sana nila ang kanilang mahal sa buhay at kung sino ang tunay na nakikinabang sa kanilang pinaglalaban. Buhay, kalayaan at pamilya nila ang nakataya sa patuloy nilang pag-aaklas.

Dana del Rosario
Camarines Norte