NI: ROLDAN CASTRO

Tumulong na nga si Kris Aquino inintriga pa. Namudmod siya ng P5k each sa sampung napili niyang nanood at may magandang mensahe sa kanyang Facebook Live noong Sabado ng gabi.

Niresbakan niya ang mga taong nagsasabing ninakaw lang umano ng mga Aquino ang datung na ipinamimigay.

“I hate it kapag sinasabi ng mga bashers o ewan ko sa inyo, du’n sa mga nag-iimbento na “eh ninakaw n’yo lang ‘yan,” hello! Sa laki ng tax na binayad ko, bakit ako magnanakaw? Parang ninakaw ko lang ‘yan sa sarili ko. Sana, naging tax-evader na lang ako,” deklara ng aktres.

Galing mismo sa bulsa ng aktres-tv host ang binigay niyang P50,000.

Aral si Kris sa pagiging generous ng kanyang ina (dating Pangulo Cory Aquino). Dapat daw mag-share ng blessings para tuloy-tuloy rin ang daloy ng mga biyaya.

Hindi rin hadlang ang mga basher para tumigil siya.Nangako itong mamimigay ng pera pag na-extend ang enhanced community quarantine .