Kapwa nadiskubreng patay ang isang dating sundalo at kapatid ng napaslang na New People’s Army (NPA) ilang oras matapos na huling makita ang mga ito na dumalo sa isang birthday party sa Cabiao, Nueva Ecija kamakalawa.

Kinilala ang mga biktima na sina Hideon Carino, 50, dating miyembro ng Philippine Army mula sa Arayat, Pampanga at Michael Dayao, kapatid ng pinatay na NPA member na si Albert Dayao kung saan ang mga labi nito ay natagpuan sa isang landfill sa Barangay Bagong Sikat.

Ayon sa ulat ng Cabiao police, huling nakitang buhay ang mga biktima nang dumalo sa isang birthday party sa bayan ng San Antonio pasado alas-dos ng hapon.