Naku, Tetay! Ta-tumbling si Oprah kapag binuhay mo ang ‘bangkay’!

kris aquino

OOOPS! She is doing it again, and how!

kris aquino
                  KRIS AQUINO

Palakpakan na may kasamang sigawan ba ang dapat nating ibigay kay Kris Aquino dahil pinag-uusapan in the four corners of showbizlandia kung saan na ba siya patutungo.

May mga tiktak kasing hindi nagkasundo si Krissy at ang mga taga-Dos tungkol sa bago nitong network contract.

Ang chika, ang lambing ni Aquino, five years ang konrtrata na pipirmahan para may security of tenure.

Ang ibinibigay sa kanyang kontrata, dalawang taon lamang daw.

Lumabas ang larawan sa social media kung saan si Tetay, kasamang ang powers that be of APT na happily eating together. Agad-agad, ang therefore conclude ng balana, magiging ka-Siyete na ito.

Kasi nga, ang APT ay blocktimers sa Kapuso network.

May tiktak pang inilalambing umano ni Krissy na ibigay sa kanya ang 11:30 AM time slot para ang show niya ang Eat Bulaga pre-program.

Pulos tiktak, pulos haka-haka, hanash, kuda at ispekulasyon, literal na ang madlang pipol, in the palm of Kris Aquino.

Gusto nilang malaman kung deal or no deal na ba ito sa Dos at Pilipinas, game na ba siyang muli sa Siyete.

Kung ako kay Ms. Aquino, I will flex my media powers sa ibang network.

Kakandirit ako sa Channel 4. Magpapatintero ako sa Channel 9. Magtutumbang preso ako sa Channel 13.

Any of the three mentioned networks will benifit from her media savvy and business acumen kapag siya ay naging blocktimer.

Imagine, with her name and endorsements, parang literal na mannah from heaven para sa mga tatlong istasyon na ito ang isang Kris Aquino.

At pag bumongga, bumango at nakabangong muli ang isa sa mga network na ito because of her, hindi na pwedeng ikaila at itanggi, siya ang queen of all media with a Midas touch.

Naghihingalong network na… any moment eh magiging ‘bangkay’ … nagawa niyang maging major broadcast player at stakeholder … ikaw na talaga, Ms. Krissy.

Kahit siguro si Ms. Oprah Winfrey, ta-tumbling kapag ang madyik mo ay nag-work sa any of these three networks na pipiliin mong maging Kristine Bernadette Aquino channel.

Mas bongga na hindi ka saling-pusa, ikaw ang lioness that roars.

In the next few days, we will all know Kris Aquino’s surprise. Whatever happens, we will observe and watch.