Nasawi ang isang 45- anyos na lalaking nahaharap sa kasong pag­labag sa Republic Act 9165 kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug of 2002 (possession of illegal drugs) matapos na atakehin sa puso habang nasa loob ng selda ng Manila Police District (MPD)-Station 9 sa Malate, Manila, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay MPD-PS 9 station commander­ PSupt. Romeo Odrada, dakong alas-8:45 ng gabi nang makaramdam ng pananakit ng dibdib at nahirapan sa paghi­nga ang biktimang si Samuel Sacapanio, ng Scout Borromeo Street, Quezon City.

Ang biktima ay kabilang sa mga naaresto ng mga tauhan ng MPD-PS 9 sa isinagawang ‘Operation Tokhang’ noong nakalipas na linggo.

Dinala naman ang biktima sa  St. Yvan Funeral Parlor para sa awtopsiya at safekeeping.