Matapos umanong mamakyaw ng alak, kalaboso ngayon ang isang Office Staff nang mabuking ang pinamili nito sa loob ng minamanheong sasakyan sa Bacoor City, Cavite.

Kasong paglabag sa Provincial Ordinance 271-2020 (Liquor Ban) at RA 11469 (Bayanihan to Heal as One Act) ang isinampa laban sa suspek na si Royce Carl Catimbuhan, binate, ng RCVI Manpower Services at residente ng 077, Isidro Mangubat St., Brgy. Zone 4, DasmariƱas City, Cavite.

Sa ulat ni Patrolman Fidel Querijero, ng Bacoor City Police Station, alas-5:10 Sabado ng hapon nang parahin ng mga operatiba ng Cavite Provincial Mobile Force Company (CPMFC) na nagsasagawa ng ECQ checkpoint, ang minamanehong Suzuki APV van na may plakang PIM 407 ng suspek sa Coastal Road, Longos, Brgy. Zapote 5, ng naturang lungsod.

Pero habang biniberipika ang quarantine pass ng driver ay nasilip sa loob ng kanyang sasakyan ang ilang bote ng alak kabilang ang 12 pirasong Redhoorse beer 1 liter; 2 pirasong redhorse beer 500 ml; 4 na bote ng Alfonso light 1 liter, 2 bote ng Alfonso Solera 1 liter; 48 piraso ng San Mig Light beer in cans; 24 pirasong Redhorse beer in cans at 12 bote ng Emperador lights 1 liter na may kabuuang halaga na P9,444.

Ayon sa suspek, binili umano niya ang nasabing mga alak sa 7 Eleven Convenience store at Rustan Shopwise sa Makati at ii-stock umano niya sa kanilang bahay na bagamat may resibo ay pinagdudahan ng pulisya.

Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa Bacoor City Custodial Center. (Gene Adsuara)