Sir/Madame, 

Respectfully forwarding request for assistance and repatriation from OFW Ms. Candidato. Pls. find additional information below. We will highly appreciate your prompt action.

Sincerely,

(Sgd) John Leonard Monterona
U-OFW

***

Humihingi ako ng tulong na sana ay makauwi na ako ng Pilipinas dahil hindi ko na makayana­n ang aking trabaho dit­o sa Kuwait bilang domestic helper.

Hindi na po talaga kaya ng katawan kong magtrabaho. Namamanhid na ang mga kamay ko at halos hindi ko na maigalaw sa umaga.

Nagsimula po ang ganitong kalagayan ko dahil pagkatapos ko mamalantsa ng mga damit ng mga amo ko ay hindi ko maiwasang hindi magbasa ng kamay dahil sa marami pang gawaing bahay.

Dahil sa ganitong lagay ko ay hindi na ako makapagtrabaho ng maayos at natatakot akong lumala pa kung magpapatuloy ako sa ganitong klaseng pagtatrabaho. Sana Sir ay matulungan ninyo akong maiparating sa agency ko at sa mga kinauukulan ang aking hinaing. Salamat

— Mitchelle Candidato

***

Si Michelle ay nagtungo ng Kuwait noong Oktubre 8, 2015 at mag-iisang taon na ito sa darating na Oktubre.

Ipinadala si Michele ng J.V.R Agency ang lokal na recruitment agency at itinurn-over naman sa Noriya Alfarhan Office Manpower Recruitment Agency at ipinasok sa isang Abdulasis Almirey na taga-Mubarak Alkaber Street sa Kuwait.

***

Paging JVR PLACEMENT CO. at sa POLO-OWWA KUWAIT, OWWA RAD, POEA REPATRIATION UNIT at OFFICE OF THE POEA ADMINISTRATOR. Sana ay mapagtuunan ninyo ng pansin ang kaso ni Michele at mabigyan ng kaukulang aksyon ang kanyang hinaing.

Gayunman, nauna nang­naipagbigay-alam ng United Overseas Fi­lipinos Worldwide (U-OFW) ang problemang ito ni Michele pero wala pa ring aksyon ang nasabing mga ahensya ng gobyerno at sa pamamagitan ng Bayani Ka ay umaasa kaming makakalampag ang mga kinauukulan para matulungan ang kababayan nating OFW at maiadya pa sa mas malalang kalagayan.