Namatay ang misis

Dear Dream Catcher:

Napanaginipan ko ang asawa ko na namatay at ‘yung kabaong daw ay nakadagan sa akin. ‘Di ko matanggap ang pagkamatay ng asawa ko sa panaginip.

Michael

Dear Michael:

Ang kamatayan sa panaginip ay hindi isang pangitain. Ang panaginip tungkol sa pagkamatay ay kadalasang sumisimbolo ng isang pagsisimula o kaya ay isang pagbabago.

Para sa iyo na nagtatrabaho sa malayo, araw-araw kang nag-aalala sa kalagayan ng iyong pamilya kaya naman natural lamang na hanggang sa iyong panaginip ay puno ka ng pag-aalala. Sa iyong panaginip nakita mong patay ang iyong misis at nakadagan sa iyo ang kabaong. Sinabi mong hindi mo matanggap ang kanyang kamatayan.

Sa aktuwal na sitwasyon, alam mong ‘pag may nangyari sa iyong misis ay hindi mo rin ito matatanggap. Natural ito sa nagmamahal at kapag nagmamahal tayo naroon lagi ang takot na isang araw ay kunin sa atin ang ating mahal sa buhay. Ito ang dahilan kung bakit nagkaroon ka ng ganitong panaginip.

Subalit ikaw lamang ang nakakaalam ng iyong sitwasyon. Kung halimbawang sa aktu­wal na buhay ay may ginagawa kang hindi tama tulad kung nababaling sa ibang babae ang iyong atensyon habang ikaw ay nasa malayo, iba naman ang magiging interpretasyon ng iyong pa­naginip. Kung ganito ang tunay mong sitwas­yon, ang iyong panaginip ay dala ng guilty fee­lings. At ang kamatayan ay maaaring ikonek sa pagkamatay ng damdamin mo sa iyong misis at ang kabaong na nakadagan sa iyo ay ang guilt na nararamdaman mo sa nangyari.

May pagkakataon din na ang ganitong pa­naginip ay na-trigger ng isang sitwasyon lalo na kung hindi nagiging maganda ang takbo ng inyong relasyon bilang mag-asawa.

Anuman ang makita mong koneksyon, may iniwan namang mensahe sa iyo ang pana­ginip mo. Kung ang iyong panaginip ay naging wakeup call sa tunay na halaga sa iyo ng iyong asawa, gawin ang lahat para ipakita, patunayan at ulit-ulitin sa kanya ang iyong pagmamahal.

Dream Catcher

***

DISCLAIMER: Ang DREAM CAT­CHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang pana­ginip, mag-email sa abantedreamcat­cher@gmail.com.