Namatay iniyakan ng magulang

Dear Dream Catcher

Napanaginipan kong nasa ospital daw ako. Una ay nakita ko ang sarili ko na nakahiga sa hospital bed. Tapos ay nasa tabi ng bed ang mommy at daddy ko. Then buma­ngon daw ako tapos pagtingin ko nakita ko pa rin ang sarili ko na nahiga at ang mga magulang ko ay nag-iiyakan na. Ano po ang ibig sabihin ng ganitong panaginip?

Belle

Dear Belle

Ang panaginip tungkol sa iyong pagkamatay ay kadalasang sumisimbolo sa malaking pagbabago at kadalasan ang pana­ginip sa kamatayan ay positibo. Ang kamata­yan ay simbolo na iniiwan mo ang isang buhay para harapin ang isang malaking pagbabago, isang pagsisimula.

Sinabi mong nang mamatay ka sa iyong panaginip ay nakita mong iniiyakan ka ng iyong mga magulang. Posibleng ito’y may kinalaman sa isang masakit na bahagi ng iyong relasyon sa iyong mga magulang.

Sa aspetong psychological puwedeng indikasyon na meron kang nararamdamang insecurities sa iyong relasyon sa iyong mga mahal sa buhay.

Sa kabuuan, magpakatatag. Hindi lahat ng mga kinatatakutan natin ay may bahid ng katotohanan.