Namatay sa bulto ng electric wire

Nangisay muna bago humandusay sa ­sarili nitong kamatayan ang isang 23-anyos na lalaki matapos makuryente sa live wire na kasama ng bulto ng electric wire na kanyang nabangga, kamakalawa ng tanghali sa Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Hindi na ­naisalba sa Gat Andres ­Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC), ang biktimang si Reymar De­main, taga-Block 9, Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PO3 Ryan Jay Balagtas ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong alas-12:15 ng tanghali sa may Block 11, Baseco Compound, Port Area, Maynila, habang nag­lalakad ­umano ang biktima nang mabangga ang bulto ng electrical wire.

Hindi umano alam ng biktima na may live wire na nakasabit sa iba­bang bahagi ng installation wire kaya nakur­yente ito. Sa lakas ng impact nangisay pa ang biktima bago napahandusay.

Isinugod ito sa paga­mutan pero hindi na ­naisalba pa.