Isang bishop na noon pang 2016 namayapa, ang isinama ni dating Davao City Vice-Mayor Paolo ‘Pulong’ Duterte sa hanay ng mga prominenteng politiko, kompanya, grupo at mga kilalang personalidad na nagbabalak mapatalsik sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Bishop Julio Xavier Labayen ay isa sa pitong Obispong pinangalanan ni Pulong sa Facebook page nito na nagbabalak patalsikin ang Pangulo. Nabatid na si Labayen ay namayapa noon pang Abril 27, 2016.

Naglabasan din ang mga meme kung saan makikita ang mascot na si Jollibee na kasama umano sa nagbabalak­ patalsikin ang Pangulo, matapos itong ilista ang kompanya ni Tony Tan Caktiong sa ‘Oust Duterte plot.’