NAUNGKAT na naman ang isyung kinasang­kutan noon ni Ana Capri kung saan umabot sa demandahan itong taong nambastos sa kanya sa Valkyrie noong nakaraang taon.

Ang huling pagkakaalam namin ay hindi pa rin natukoy kung sino ang lalaking nambastos kay Ana, pero sabi ng aktres, may ideya na sila.

Mukhang malaking tao ito at influential.

Naibulong sa amin ng isang kaibigan sa ­media kung sino ito, pero mahirap i-reveal kung dahil hindi pa kumpirmadong siya nga.

Kilala kasi ang taong ito, at ­kasalukuyang nasasangkot sa malaking isyu na bahagi ng ikinakampanya ni Pres. Rodrigo Duterte.

Baka kasi mabuhay na naman itong isyu ni Ana kapag lumabas na ang pangalan ng taong ito na nasasangkot sa malaking isyu na ikinakam­panya ng Pangulo.

Sinubukan naming kontakin si Ana para klaruhin kung ano na ang latest sa kasong ito. Nasa Malaysia pala siya.

Nagbiyahe siya sa Australia, at tumuloy ng ­Japan. Ngayon ay nasa Malaysia siya.

Sandali lang namin siyang nakausap, at itinanggi niya ang taong ito.

Binanggit namin sa kanya ang pangalan nu’ng tao, at hindi raw iyun ang nambastos sa kanya.

Kasama lang daw ito nu’ng taong ­nambastos sa kanya, pero hindi pa raw nakukuha ang pangalan.

Itinago pa rin daw ang totoong pagkakaki­lanlan sa taong nambastos sa kanya.

Nasa korte pa rin daw ang kaso, pero ­hindi pa natukoy kung sino ang taong dapat na kasuhan niya.

Alam niya na influential ito at maaring ­malaking tao. Kaya ayaw muna niyang mag­salita sa ngayon.

Nagulat daw siyang may mga taga-media na tumatawag sa kanya, pero wala siyang ibinigay na komento.

Ayaw na niyang masangkot sa mas malaking isyu. Ang gusto lang niya, mabigyan nang hustisya ang pambabastos sa kanya nu’ng nakaraang taon.

2 Responses