Nambatac, Ayonayon naghahasa

HABANG patuloy na suspendido ang lahat ng aktibidad ng ika-45 taon ng Philippine Basketball Association (PBA) ay sinamantala ito ng mga manlalaro partkular na sina Rey Nambatac at rookie Mike Ayonayon na paghandaan ang muling pagbubukas ng 2020 All-Filipino Cup sa pagsasanay sa kanilang dribbling at shooting skills.

Pinagkaabalahan ni Nambatac, na nagpakita ng kanyang husay nakaraang taon para sa Rain or Shine, na mas mapahusay ang pagsasagawa ng dribble na kinukunsidera nito na isa sa kanyang kahinaan at nagiging sanhi ng kanyang mga error kada laro.

Madalas din na ginagawa ni Nambatac ang pag-workout sa kanyang bahay upang mas maging handa sa inaasahan nito na magiging pisikal na laro sa prestihiyosong Philippine Cup.

“Kailangan natin na maging handa sa banggaan,” sabi ng long range bomber na si Nambatac.

Inaasahan na din ni Ayonayon na magiging mahirap ang kanyang pagtuntong sa propesyonal na liga matapos itong tanghalin na Most Valuable Player sa MPBL. (Lito Oredo)