NAMCYA finals gaganapin sa CCP

Ang National Music Competitions for Young Artists (NAMCYA) ang naging tahanan ng mga talented young Fi­lipino ar­tist sa loob ng halos 50 taon.

Mula nang magsanay, nag-advance ng kanilang ta­lento bilang maging musician at singer hanggang sa maging daan ng kanilang tagumpay.

Nagsimula ang semi-final round noong Agosto 30, 2019 sa Metro Manila at nagpatuloy sa Visayas at Min­danao naman sa buong buwan ng Setyembre.

Gaganapin ang Natio­nal Finals Competition sa Nobyembre 26-29, 2019 sa Cultural Center of the Philippines (CCP) kung saan gagawin ang tatlong konsiyerto.

Ang concert sa solo winners ay sa CCP sa November 30, 2019 habang ang Traditional Music and Rondalla Outreach Concert sa Rizal Park Open Air Auditorium sa Labs Kita Sabado prog­ram kasabay ng concert ng mga nanalo sa December 1, 2019.

Libre at bukas ang final competition at concert sa publiko. Maaari lamang kunin ang tiket sa final competition sa concerts sa CCP lobby.

Sa dagdag na impormasyon, makipag-ugnayan sa NAMCYA secretariat sa (02) 8836 4928 o bumisita sa kanilang Facebook page: www.facebook.com/NAMCYA