Namemeligro

Marami ang pumupuna sa mga aksyon ng isang ahensya ng pamahalaan dahil sa masyado nitong pakikialam sa lahat ng aspeto ng industriya na ginagalawan nito.

Isa raw dito ang pagsasagawa ng motu propio hearings na laging sumasalungat sa desisyon ng mga opisyal na dapat mamahala sa naturang industriya na kalimitan ay nababago. Bakit pa ba meron silang opisyal na namamahala doon ganu’ng isang kibit lang ng balikat eh babaguhin agad dahil sa “may nakapagbulong?”

Ang kalimitang pagbabago ng rules ang regulations halos linggu-linggo ang isa pang ikinaiinis ng mga tao sa loob ng industriya. Paano daw uunlad ang isang industriyang mas malimit na magpalit ng regulasyon kesa bigyan ng halaga ang growth na kailangan nito.

Dahil dito, namemeligro na namang mag-record ng bagsak na growth ang industriyang ito gayung ang ahensya ay nasa ilalim pa naman ng Office of the President.

***

Matindi raw ang kakulangan ng exercise riders kaya panahon na para magparami nito sa tulong ng grupo ng mga hinete.

Handa naman daw magbayad ang mga horse owners at trainers ng magandang presyo lalo’t mapag-iingatan ang kanilang mga kabayo.

Karamihan kasi sa mga exercise riders ngayon ay sobra sa bigat kaya hindi rin masisi ang ibang trainers na maghagilap ng medyo magagaang na hinete para sa kanilang mga kabayo.

Iilan lang ang mga stables na merong exercise riders na sa kanila lang nag-eensayo. Pero sa karamihan, naghihintay sila ng matagal sa umaga dahil hindi pa tapos ensayuhin ang kabayo ng mga ensayador nila na nakaposte sa ibang kuwadra.