Charlie Favis
Marami na akong narinig pagkatapos ng napakagandang knockout game seven ng Magnolia Ang Pambansang Manok at Rain or Shine.
Na dapat daw, ‘di binilang ang tira ni Rome dela Rosa na three-point, ang tinawag ni RoS coach Caloy Garcia na “the biggest shot of the game.”
Kaya raw umabot sa overtime ang laban at natalo ang Elasto Painters dahil sa binilang na 3-pointer na ‘di raw dapat dahil ubos na ang oras nang bumitaw ang basketbolista.
May rule ang PBA na kapag nangyari sa last two minutes of the game, pwede itong i-review sa pamamagitan ng video. Pero ang controversial shot tira ni Dela Rosa, ay nangyari sa huling tatlong minuto pa ng labanan kaya ‘di puwedeng i-review.
Sa aking pananaw, dapat I review yung kontrobersiya na binasket ng cager. ‘Di dapat isinama sa last two minute rule ng PBA ito.
Dahil sa isang tawag na base sa teknikalidad, at ‘di dapat ituring na judgement call ng referee.
If a call is one that involves something that can be measured like time, or kaya klarong-klaro sa mata ng mundo, through television and video replay, ang isang koponan ay na disadvantaged sa pangyayari, yung naagrabiyadong koponan ay pwedeng mag file ng valid protest para kwestiyonin ang tawag or hindi pagtawag ng violation.
Kung nag-file ng protesta ang E-Painters, at nakita na ‘di tama ang tawag, ‘di rin pwede i-reverse ang panalo ng laro pabor sa RoS.
Ang pinakamagandang mangyari sana, ay mag-file ng protesta ang Rain or Shine, at dedesisyunan ni PBA Commissioner Willie Marcial na magkaron ng panibagong laro, para malaman kung sino ang karapat-dapat makalaro kalaban ang defending four-times PBA Philippine Cup champions San Miguel Beer. Klarong-klaro kasi na ang mga referee ang nag-decide ng outcome of the game.
Naalala ko ang isang laro sa PBA in the past, ang labang Purefoods at Shell, naka-shoot ang import ng Purefoods na si Richard Hollis, at pumasok ang tira. Nanalo ang Purefoods, ngunit kitang-kita na hawak pa niya ang bola sa pagkaubos na rin ng oras.
Nagprotesta ang Shell. Ang decision ng PBA commissioner noon, i-replay ang laro, at nanalo ang Shell sa replay. Sana ganyan din ang nangyari sa laro ng Hotshots at Elasto Painters.