Nanay ni Arjo naghamon ng away sa mga AlDub fan

Arjo Atayde's mom, Sylvia Sanchez

tonite-imo-vinia-vivarNapaloob sa isang “Twitter war” si Sylvia Sanchez matapos niyang pagsasagutin ang mga basher ng kanyang pamilya na tutol sa relasyon ng anak niyang si Arjo Atayde kay Maine Mendoza.

Unang sagot niya sa isang netizen na unavailable na ang tweet ngayon ay ang paghahamon niya na magkita sila.

“Oo ina ako at naiintindihan ko ang sina­sabi mo, naiintindihan ko si @mainedcm @arjoatayde naiintindihan din kita @TheFaulkersons at naiintindohan ko din nararamdaman ngayon ng ina ni maine, halika! Usap tayo, bilang mga ina, bukas kita tayo, maxim resorts world coffee shop 7pm,” tweet ni Sylvia.

Next reply niya sa tweet na unavailable na rin, “Ok! Tara! usap tayo ina sa ina @thefaulkersons resorts world coffee shop 7pm. ­Hintayin kita!!!”

May sumagot naman na “Go mama sylvia!!!!!!! #Support” at sagot niya ulit, “Ok, hihintayin kita, maxims coffee shop resorts wolrd.”

May sumagot na naman na tila namba-bash pa rin na deleted na rin ang tweet ngayon at sinagot rin ito ni Ibyang.

“Sobrang galit sa puso mo, sobra mo kami kung sinuhin at la­itin!!! Tara! Sama ka!!bukas kay @TheFaulkersons usap tayo!! Tao sa tao!! 7pm resorts world maxim coffee shop, hintayin kita ha!!” sagot ng nanay ni Arjo.
May netizen naman na sumagot at aniya, “Maine got her Fame in a very humble and simple beginnings which makes her phenomenal today. Kahit sino masasaktan sa ginawa ni Arjo na kasinungalingan. Kung ako ang nanay po ni Maine, il never let Maine on your lane esp. To your son Arjo.”

Inalmahan ito ni Ibyang at sagot niya, “Anong kasinungalingan ang ginawa at sinabi ni arjo? Alam mo ba ang buong pangyayari? Kung may mga tanong ka at gusto mong marinig lhat ng sagot sa mga tanong mo, tara! Makipagkita ka bukas, usap tayo! Ako msmo ang sasagot sa lahat ng mga gusto mong malaman,” sagot ni Sylvia.

Sumagot naman ang isang netizen na hinamon niyang makipagkita at saad nito, “Im not from Manila maam. No need for personal meet ups. I believe that if you are a good person u dont have to prove to anyone who you are. ACTION speaks louder than words.”

Sagot naman ni Ibyang, “Yes, Action speaks louder thn words kaya nga gusto ktng makausap para direkta mong masabi sa akin lht ng hinaing at galit mo, Kaya nga niyayaya kita bukas mgkta kasi ayaw ko dito makipag usap, gusto ko personal. Matitino tayong tao, kaya usap usap tayo ng matino, personal!”

May netizen na nagsabing “We are @mainedcm fans seems like no one has accepted your invitation… kami na lang kaya??? Chika chika lang hahaha!”

Sagot naman ni Ibyang, “Ok lang, basta nagsabi ako 7pm bukas maxims resorts world, darating ako at hihintayin ko silang lahat, welcome lahat ng mga gustong pumunta, lalo na mga may galit sa puso!! Once and for all, tara! Usap tayo!!”

May isa pang netizen na nagtanong, “Yung mga tunay na fans po ni Meng nasa Pilipinas, ok lang daw po bang puntahan kayo? Mas masaya silang kausap madam.”

Na sinagot naman ng aktres ng “Welcome bukas lahat kayo pumunta sila at mas lalong welcome ang mga bashers!!! Usap tayo!!”

May mga nagtatanggol naman kay Ibyang at nagsasabing mabuting tao si Arjo’t hayaan na lang ang mga basher.

Ipinagtanggol din siya ng kapwa aktor/assistant director na si Peter Serrano at sinabing “Wag po tayong ganyan kabastos. Mabubuting tao ang pamilyang yan. Wag po tayong padala sa maling fan mentality.

@sylviasanchez_a kalma marz. Hayaan mo na muna.”

Nag-react naman ang isang netizen sa tweet na ito ni Peter at saad niya, “WALANG BASTOS KUNG WALANG GINAGAWA NA IKAKABASTOS SA KANILA..KUNG D NILA GINAGAMIT C @mainedcm..HAYAAN NA LANG..KUDA NGA NG KUDA.”

Muli ay sumagot si Sylvia. “Isa k sa hihintayin ko bukas ha! IIabas mo ang tapang mo bukas, 7pm resorts wrld coffeeshop maxim. At pakilabas mo mukha mo dito sa acnt mo, wag magtago!! Para makilala din kita!!!” reply ng aktres.

May netizen din na sinabihan si Ibyang ng “mag-inang mapagbanta” at hindi rin ito pinalampas ng aktres.

“Mag inang mapagbanta? Kami nga binabantaan nyo eh!! Patayin ako, arjo n ria? Kami pa ang mapagbanta? Isip isip ka hah!!! Magpakita ka bukas, usap tayo!! Wag kng magtago sa acnt na to ng walang mukha! Kung matapang ka labas mo mukha mo dito!!!” ang halatang galit na galit na tweet ni ­Ibyang.

Hindi naman namin masisi talaga ang aktres dahil ang titindi rin naman kasi talaga ng sinasabi sa kanila ng bashers at siyempre, sinumang ina talaga na kantiin ang anak ay talagang magi­ging ala-leon sa tapang.

Kate kinamumuhian

Inamin ni Kate Valdez na nakakatanggap siya ng mga hate messages dahil sa pagganap niya na kontrabida sa GMA-7 teleserye na “Onanay” kaya nagwo-worry rin daw siya minsan.

Pero sa isang banda ay naiintindihan naman daw niya na nadadala lang daw ang mga viewer sa karakter niya kaya nagagalit at nagme-message pa sa kanya.

Pero noong una raw ay na-stress siya talaga dahil sa kung ano-anong mga sinasabi sa kanya ng mga tao.

Pero if it’s any consolation, ang mga galit ng tao kay Kate ay pagpapatunay lamang na napakagaling niyang aktres. It means na effective kontrabida siya para madala ang mga tao sa kanyang karakter.

Ginagampanan ni Kate sa “Onanay” ang role na Natalie na nagpapahirap sa karakter naman ni Mikee Quintos na si Maila.