TODO-TODO ang pagpupugay sa mga ina ng Umagang Kay Ganda (UKG) sa ika-10 anibesaryo nito.
Nagbahagi ng kaalaman sa pangangalaga sa pamilya at tahanan ang UKG sa mahigit isang libong ina sa Nanay Convention sa Pampanga noong Hulyo 3.
Magpapatuloy bukas (Biyernes, Agosto 18) sa Vista Mall ng Taguig City.
5:00 ang umpisa ng registration. 9:00 AM ang simula ng programa.
Sa NanayCon inilunsad ng UKG sa tulong ng ABS-CBN Publishing Inc. ang Nanay Manual na isang libreng booklet na naglalaman ng mga recipe, mga tips sa kusina at iba pang ideya na makakatulong sa mga nanay.
Bago matapos ang taon, magsisimula ang timpalak na “Nanay Kong Kay Ganda.”
Sa tulong ng Nanay Convention, hahanapin ng UKG ang mga inang maaaring ilaban sa “Nanay Kong Kay Ganda.”