Binitbit ng dalawang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), ang isang 37-anyos manyak na construction boy matapos dakmain ang ari ng isang 14-anyos na estudyanteng dalagita habang naglalakad kahapon ng hapon sa Ermita, Maynila.
Kalaboso ang inabot ng suspek na si Leno Colon Y Merano, tubong Iloilo at stay-in sa ginagawang gusali sa San Marcelino St., Ermita, Maynila.
Nanginginig naman sa takot ang biktimang itinago sa pangalang Leah, grade 7 sa Araullo High School.
Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Thelma Samodio ng MPD-Women and Children’s Protection Unit, naganap ang insidente dakong alas-dos ng hapon malapit sa gate ng eskuwelahan sa United Nations Avenue sa Ermita.
Sinabi ng biktima na papauwi na siya nang makasalubong ang suspek at biglang dinakma ang kanyang ari, at saka nagsalita ito ng “malaki na”.
Agad itong nagsumbong sa mga tauhan ng Manila Traffic & Parking Bureau na sina Mody Pabalate at Concepcion Bagtas at hinabol ang suspek hanggang makorner si Colon sa San Marcelino St. sa Ermita.