Nangangating Paa

Itong linggong ito, ang pag-uusapan natin ay tungkol sa katanungan ng isa nating reader na kung bakit ang kati ng paa niya. Mayroon ding pamumula at pagpantal sa gitna ng kaniyang hinlalaki at pangalawang daliri sa paa. Hindi naman daw ito katulad ng kasabihan ng matatanda na pag makati ang paa say nangangating gumala at lumabas. Napapanahon pa naman ito ngayon dahil karamihan sa mga lalawigan ay naibaba na sa GCQ o general community quarantine, kung saan pinapayagan na ang karamihan lumabas ng kanilang mga bahay. Ang tanong, ano ang kailangang gawin para maiwasan lumala at mukhang masusugatan na ng husto kung talagang makati ang paa?

Ang pangangati ng ating reader ay nakatutok sa isang lugar at kung mapapansin ay mistulang nakaguhit na sumusunod sa strap ng tsinelas. Ito ang tinatawag na Contact Dermatitis. Ito ay isang uri ng allergic reaction na lokal lamang ang sintomas at hindi kumakalat sa buong katawan. Ang reaksyon ay nagmumula sa pagtaas ng lebel ng histamine na syang pumuprotekta sa ating katawan. Hindi lahat ay naaapektohan nito dahil ang gamit ay pangkaraniwan. Ngunit may pangilanngilan sa atin na hindi masabi ng katawan natin na ordinaryong bagay lamang kung kaya’t nagkakareaksyon. Sa simula ay mamumula, maguumpisang kumati, magpantal, at dahil sa kagustuhang kamutin, maaari nang masugatan at magkaimpesyon.

Ang unang dapat gawin ay tumigil sa paggamit ng mag bagay na pareho ang materyales. Sa tsinelas, kadlasan goma. O kundiman, maaaring iba’t ibang bagay gaya ng sabon, pabango, make-up, alahas at mga tanim. Kadalasan mabilis naman mawala ang mga sintomas kung malalaman kung saan nagkaka reaksyon at umiwas sa paggamit nito. Pwede din gumamit ng mag anti allergy o anti histamine na mag cream o lotion, o kung mas matindi, uminom ng anti histamine. Lagyan ng malamig na basing compress, mga 20 minuto, o mabuti pang ilubog na lang sa malamig na tubig ang parting apektado. Pinakamahalaga ay iwasan kamutin at panatiliing malinis ang kamay ng hindi lumala ang kundisyon. Kung sakali man, dapat ipatingin dahil maaaring bigyan ng antibiotic kung magkaimpeksyon na. Mahalagang madiskubre ng maaga ang contact dermatitis dahil maaaring kumalat din ito kung madalas mangyari at hindi maagapan. Maaari ding tumagal ang kundisyon, hindi lang mga ilang araw, linggo o buwan, maaari din itong tumagal ng taon. Kaya huwag hayaan ang ordinaryong kati kati ng hindi nawawala at lumalala pa.

Kung allergic sa isang bagay ay palitan natin agad at iwasan, sana lang ay madali at magawa agad agad.

Hanggang sa susunod! Stay Healthy! Stay safe!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, at radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing linggo 11am-12nn). Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.