Nanghihinang balyena sa La Union

Isang nanghihinang balyena ang nadiskubre ng mga mangingisda habang nasa dalampasigan ng Barangay San Agustin, San Fernando City, La Union kahapon ng umaga.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), dinala agad sa kanilang satellite station sa Sto. Tomas ang nanghihinang balyena para sa agarang obserbasyon at rehabilitasyon.

Tinatayang nasa mahigit anim na talampakan ang ‘melon-headed’ whale ang natagpuan na sinasabing isa sa dalawang namataang balyena na lumalangoy malapit sa pampang ng Barangay San Agustin noong Sabado.