Dinampot ng mga awtoridad ang isang 55-anyos na lalaki nang pumalag ito at murahin ang isang police officer na noo’y nagsasagawa ng quarantine check sa Valenzuela City.
Kinilala ni P/M/Gen Debold M. Sinas ang suspek na si Dionisio Sanchez Bonote, 55.
Napilitang dakmain ng pulisya si Bonote nang maging pasaway umano ito sa gitna ng thermal scanning kaugnay sa isinasagawang Community Quarantine Protocol sa Valenzuela City.
Sa report ng pulisya, dumating umano si Bonote na nakabisikleta at dinatnan ang sinusuri ring ilang kalugar ganap na alas-9:40 ng umaga sa MacArthur Highway, Malanday, Valenzuela City.
Sa halip na sumunod sa protocol, sinigawan umano nito at minura ang opisyal, na ikinagulat ng iba pang mga residente.
“Tanga ka. P…. i.. mo!” bulyaw nito.
Dahil sa tinuran ay nahaharap ngayon sa resistance and disobedience to a person in authority, alarm and scandal, at unjust vexation in relation to EO 028-C (Community Quarantine) si Bonote.