SANA, pag-igihan pa ng GMA7 ang pag-monitor ng kanilang mga artista.
Noong Linggo, parang may festival si Jerald Napoles.

Pagkatapos siyang mapanood sa Sunday PinaSaya ay guest siya sa kasunod na Dear Uge, at sa gabi, tampok din siya sa TsuperHero.

Mahusay si Jerald, pero wala na bang ibang aktor ang GMA na puwedeng ilagay sa lugar ni Jerald para hindi magkakasunod ang kanyang guestings on the same day?

Puwedeng may pagitan na one or two weeks bago makapag-guest ulit.
O walang ganu’ng concern… Pera-pera na lang at bahala na?

***

Ngayong mainit na pinag-uusapan ang ­Bernard Palanca scandal, makakatulong kaya ito para may magkainteres kay Bernard na kunin sa mga teleserye?

Ingat lang, ang paalala ng iba, dahil may reputasyon daw ito na nangu­ngutang ng pera sa mga kasamahan sa trabaho.

Bakit kaya?

***

Magbubukas ­ngayon ang ­magandang pelikulang Pwera Usog ng Regal Entertainment.

Sana, tauhin sa sinehan ang horror movie at huwag matulad sa sinapit ng local ­movies after My Ex And Whys.