Nasawi ang isa sa dalawang suspek na riding in tandem nang tangkain nitong bumunot ng baril nang sitahin ng mga nagpapatrolyang tauhan ng Algue Police Community Precint, kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.
Isinugod pa sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) ang hindi nakikilalang backrider na tinamaan ng bala sa ulo at kanang braso pero nasawi agad.
Nakatakas naman ang driver ng motorsiklo na inilarawang nasa edad 40-45, may taas 5’4-5’6, nakasuot ng kulay asul na t-shirt at denim pants.
Sa imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section, alas-2:15 ng madaling-araw sa Jose Abad Santos Avenue at Sanchez Street habang nagpapatrolya ang mga pulis dahil sa ulat na maraming nangyayaring holdapan partikular na sa gabi.
Sinita umano ang riding in tandem pero bumunot ng P .38 baril ang suspek at pinaputukan ang mga nagpapatrolyang pulis pero hindi pumutok ang baril nito dahilan para gantihan ng putok ng mga pulis.