Nasawi ang isang drug pusher matapos na manlaban sa mga aarestong tauhan ng Manila Police District-Police Station 6 sa isinagawang buy-bust operation, kahapon ng madaling-araw sa Sta.Ana, Maynila.

Naisugod pa sa Sta. Ana Hospital at idineklarang patay dakong alas-2:20 ng madaling araw ang suspek na si Manuel Fuentes, at taga-1966 Pedro Gil St. Sta. Ana, Maynila dahil sa dalawang tama ng bala sa dibdib.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Milbert Balinggan, ng Manila Police District-Homicide Section, ala-1:58 nang mangyari ang insidente sa bahay ng suspek kung saan nakahalata umano ang suspek na ang katransaksyon ay pulis dahilan para bumunot ng baril at paputukan ang pulis.

Gumanti naman ng putok ang pulis na naging dahilan ng kamatayan ng suspek.

Nakuha sa suspek ang isang .22 caliber, 11 sachet ng shabu, P100 marked money at drug paraphernalia.

Ayon kay PSInsp. Consorcio Pangilinan, nagsagawa muna sila ng surveillance at nang magpositibo na nagbebenta ng shabu ang suspek ay ikinasa nila ang buy-bust.

One Response

  1. totoo man o hindi ang balitang ito, ay nakakapagduda na ang ganitong senaryo, ang masaklap kung nangyari sa talagang inosente, walang kahabol habol ang pamilya ng biktima.