Nanlait na bobo sapul kay DJ Loonyo

NI: ROLDAN CASTRO

Binalikan ni DJ Loonyo si Lauren Young na nagsabi sa kanya na bobo . May kinalaman ito sa palpak niyang pahayag sa mass testing at paggamit ng facemask.

Hindi lang si Lauren ang bumatikos sa kanya kundi pati na rin sina Jerald Napoles, Agot Isidro at mga basher.

Humingi siya ng paumanhin sa kanyang pagkakamali pero may resbak din siya sa mga nanlait sa kanya.

“When someone makes a mistake, hindi ko sasabihan ng bobo o tanga,” bungad niya sa kanyang Facebook live.

“But I’m happy and I’m blessed, and I’m grateful na hindi ako ganoon tinuruan ng nanay ko,” bahagi pa ng mga sinabi niya.

Hindi raw siya nagtatanim ng galit at never nag-isip ng masama sa mga umalipusta sa kanya. Nirerespeto raw niya kung ano ang opinion ng mga ito.

Pero kung may nakita siya na nagkamali, never daw niyang sasabihan ng bobo o tanga sa social media.

Ayaw raw niyang makita ng mga anak niya balang araw kung ano ang post niya na magre-reflect sa kanyang bilang isang ama.

Ayaw rin niyang mahusgahan siya ng pamilya niya pag nabasa ito kung anong klase siyang tao para manglait ng kapwa. Hindi raw magiging proud ang family niya pag nakabasa ng ganoong post.

Hindi rin daw cool o masarap pag nag-comment din siya ng ‘tanga’ or ‘bobo’ sa pamilya, ina o kapatid ng mga nanlait sa kanya.

Pray na lang daw siya na sana ay hindi mangyari ito sa kanila o sa pamilya nila.

Hindi raw niya misyon ang mam-bully sa socmed. Ang layunin niya sa buhay ay ikalat ang pagmamahal , saya at mga tamang bagay na dapat gawin.

“Right now, I’m using my voice. Trust me, bashing or hating, throwing a lot of hateful message will not give a lot of positive effect in this world,” deklara pa ni DJ Loonyo.