NI ARCHIE LIAO

Usap-usapan ngayon ang panggo-ghosting ng Youtube blogger at rumored boyfriend ni Awra Briguela na si Feng de la Cruz sa young actor.

Sa kanyang mahabang hanash, idinetalye ni Awra kung paano pinaglaruan umano ni Feng ang kanyang damdamin.

Hirit pa niya, kahit daw hindi sila naging opisyal na magdyowa, nagbigay raw naman ito ng motibo sa kanya.

Masakit din daw sa kanya na malamang may dyowa na ito for three years kaya sobra siyang naapektuhan.

Samu’t sari naman ang naging reaksyon ng mga netizen sa ipinost niya.

May mga kumampi sa kanya at sinabing lagot kay Coco Martin o Cardo Dalisay si Feng sa ginawa nitong pananakit sa puso ni Awra.

Meron namang binatikos ang batang gay actor sa umano’y kalandian sa panahon ng pandemic.