Namula ang aktor na si Ced Torrecarion nang diretsahan siyang tanungin ng entertainment press sa presscon ng musical play na The Lost Sheep kung totoong siya ba ang ama ng anak ng sexy actress na si Katherine Luna na napagkamalan noong kay Coco Martin.
“Hindi po, hindi po,” mariin niyang tanggi, “grabe kayo, ang tagal na nu’n,” dugtong niyang natatawa.
Pero aminado naman siyang nag-date sila noon ni Katherine.
“We dated for a couple of times,” he said.
Nang mabuntis daw si Katherine ay alam daw niyang hindi siya ang ama dahil “safe” raw siya pagdating sa ganu’ng bagay.
“I would know coz I am safe. . .I’m a safe traveller,” natatawa niyang sabi.
Ang totoo pa nga raw, si Katherine ang naging dahilan ng break-up nila ni Bianca Lapus noon. That time raw kasi ay bata pa siya kaya medyo mapaglaro pa. Pero ngayon ay good boy na raw siya talaga.
The irony of it, kasama pa niya si Coco ngayon sa FPJ’s Ang Probinsyano at okay na okay naman daw sila.
Si Ced ang gumaganap na Jesus Christ sa The Lost Sheep at first time raw niya to play such role. Habang ginagawa niya raw ang play na ito ay napakaraming pagsubok na dumating sa kanya at parang gusto na niyang mag-quit.
“Sa totoo lang po, when this was offered to me two years ago, talagang nagdalawang-isip po ako. Marami po akong ginawang roles na iba’t ibang karakter, iba’t ibang pagkatao, pero challenging po talagang maging Hesukristo ka.
“Kasi marami po talagang trials during that time. Inumpisahan ko ‘to in Baguio. Nagre-rehearse ako, I got a call na naospital ‘yung Mom ko and then 3 days after, my mom, sumama na rin kay Lord,” kuwento ni Ced.
Gusto na raw niyang mag-quit that time pero pinayuhan daw siya ng manager niya na si Alfie Lorenzo na nabubuhay pa nu’n na ituloy na niya. Sinunod naman niya ang payo nito sa kanya at nakatagpo raw siya ng panibagong pamilya sa mga kasama niya.
Naka-lift-up din daw ng spirit niya at pagkatao ang pagganap na Jesus Christ at lalong tumibay ang pananampalataya niya.
“Kahit maraming trials na dumaan, ang dami rin namang blessings na dumadating sa amin. Actually, marami rin pong na-bless sa grupo namin while doing this,” pahayag pa ni Ced.
Naging successful ang 5-day staging ng The Lost Sheep sa Baguio Convention Centre at marami ang nag-request sa kanila na magkaroon ng repeat, this time sa Manila naman.
Nakatakdang itanghal ang The Lost Sheep sa Star Theater at the Cultural Center of the Philippines on Oct. 27, 2018 (with a matinee show at 4pm and an evening show at 7pm).
Kasama rin sa cast sina Lovely Rivero bilang Mary. Jeffrey Santos bilang Peter, Reuben Aslor as the Atheist at marami pang iba. Produced by Manila Act One Productions, ang The Lost Sheep ay mula sa panulat at direksyon ni John B. Achaval.
Bong–Coco mas epektib magsama kaysa kay Jolo
Dahil buhay na naman ang Imus Productions, natanong kay Jolo Revilla kung may balak ba silang mag-merge or mag-collaborate ng CCM Productions ni Coco Martin since magkasama naman sila sa FPJ’s Ang Probinsyano ngayon.
“Siguro, mas maganda kung si Bong Revilla at si Coco Martin ang magsama,” sey ni Jolo.
Magandang ideya nga raw ito pero hindi pa raw nila napag-uusapan ni Coco. What he can say now is very thankful siya sa FPJAP na siyang naging daan para muling makabalik siya sa telebisyon.
Taong 2011 pa nang huling mapanood si Jolo sa TV sa My Binondo Girl with Kim Chiu and Xian Lim.
“Laking pasasalamat ko siyempre sa management at siyempre kay Coco for giving me this opportunity to work again sa pagbabalik sa teleserye dahil ang tagal na. After My Binondo Girl, ngayon lang ulit ako nakabalik.”
Anyway, namatay na ang karakter ni Jolo sa FPJAP .
Balik-pelikula naman siya kasama ang mga kapatid niyang sina Bryan Revilla at Luigi Revilla sa Tres na comeback film din ng Imus Productions na pag-aari ng pamilya nila.
Trilogy action film ang Tres at tig-isa sila ng episodes ng dalawa niyang kapatid. Showing na ito sa October 3 mula sa direksyon nina Dondon Santos at Richard Somes distributed by Star Cinema.