Napagkamalang bading ni Ricky

“Maraming-maraming salamat sa inyong galing at karunu­ngan sa industriya natin. Sala­mat, dahil sa ‘yo, maraming may trabaho. You’ve paved the way for us. Dahil sa iyong professio­nalism, sa iyong galing, lahat po kami ngayon, nandidito.

“Sobra ka nang nami-miss namin. Magkakasama na po kayo nina FPJ, Dolphy, sa langit. Gagawa ho kayo ng maraming pelikula do’n.
“Tito Eddie, hanggang sa muli.”

Ito naman ang isa sa mga madamdaming mensahe sa eulogy ni Ricky Davao na mara­ming beses na ring nakatrabaho si Manoy at napakarami ring anecdotes tungkol sa veteran actor.

Una raw niyang nakilala si Manoy when he was 10 years old dahil colleague ito ng daddy niyang si Charlie Davao. He revealed ang unang impresyon niya sa yumaong aktor.

“Akala ko, bading siya. Kasi, kasama ko ang father ko, sabi niya ‘Carlota!!!’ My father, Charlie Davao kaya Carlota ang tawag. And my dad said, ‘Eduar­da! Kamusta?’ and eching-­eching-eching.

“So, I was 10 years old, ‘are they really gay?’ ‘Yun pala, ngayon ko lang naintindihan, well, nu’ng nag-artista na ako that they did so many films in Sampaguita,” kuwento ni Ricky.

Una raw niyang nakatrabaho si Manoy sa Agrix Films movie directed by Romy Suzara na ang bida ay si Vic Vargas at kontrabida naman daw ito.

Nakatrabaho niya rin ito bilang direktor at nitong huli ay nagkaroon siya ng pagkakataong maidirihe rin ito sa GMA series na “Little Nanay.”
Gumanap rin daw silang lovers sa isang pelikula.

Tulad ng iba, pinakamatin­ding memory ni Ricky kay Manoy ang pagka-professional nito.

Gayang-gaya rin ni Ricky kung paano magsalita si Manoy.

“Ang tagal ko na ho siyang kakilala. Ang dami ko na hong nakasama, nakatrabaho, never po siyang nagalit at never siyang nagsalita ng negative kahit kanino. Kahit marami nang nagawang mali. Nakakabilib po ‘yun,” pagbabahagi pa ni Ricky.

Kung silang mga artista ay mukha at katawan ang puhunan sa showbiz, sa tingin daw niya ang sikreto ng success at eternal career ni Manoy ay ang puso nito para sa manonood, sa mga kapwa-artista at sa buong industriya.