Marami ang napapahanga ni Rain dahil sa mga good deeds na ginagawa niya.
Kung noong kasagsagan ng pandemic sa South Korea, silang mag-asawa (Rain at Kim Tae Hee) ang unang nag-anunsiyo na ibaba nila ng 50% ang rental fees ng mga pinauupahang units sa kanilang building sa Gangnam.
Ngayon naman, may bagong ayuda si Rain nang mapili para sa Fall-Winter season ambassador ng Levi Strauss Korea.
Inilabas ng Sublime Artist Agency, management ni Rain, na lahat ng kikitain niya bilang endorser ng Levi’s ay ido-donate niya sa mga disadvantaged women.
Malaking bagay raw ang biglang pag-angat muli ng popularidad ni Rain bilang isang singer sa kanta niya noong 2017 na “Gang.” Naniniwala si Rain na ang mga tagahanga niya ang dahilan kung bakit after 3 years ay muling sumikat ang kanta niya.
Ayon sa agency, “Because it was his fans who created the ‘Gang’ syndrome that recently caused a stir, Rain wanted to return [this love]. So he personally decided to donate the entirety of his modeling fees for the denim brand.”
Kabilang sa magiging donation ay ang pagkakaloob din ni Rain ng mga sanitary napkins para sa mga disadvantaged women.
Sa statement pa rin ng Sublime Artist Agency, “Rain’s donations will be used to provide sanitary napkins for disadvantaged women who are currently facing hardships due to COVID-19.”