Nilinaw ni Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano ­Aguirre II na hindi maaabsuwelto o mapapalaya ang ­tinaguriang pork barrel queen na si Janet Napoles kahit na tumayo pa itong state witness laban sa mga pulitikong sangkot sa nasabing usapin.

Ito ang tugon ng kalihim sa mga naglalabasang espekulasyon na may kapalit ang nais ni Napoles na pagtestigo para tulu­yang makalaya.

Giit nito, ang ­kasong plunder at graft ni ­Napoles sa ­Sandiganbayan ay hindi maaapektuhan dahil anuman umano ang magi­ging desisyon dito ay ibabalik sa Office of the Ombudsman para muling pag-aralan.

“‘Yan po ang gusto kong linawin, kasi akala ng marami na kung si Janet Napoles ay tatanggapin ng Department of Justice sa Witness Protection Program bilang state witness ay siya ay palalayain,” sabi ni Aguirre.

“Hindi po maaapek­tuhan ang kanyang mga naka-pending na kaso. Wala pong relasyon.

Hindi po maaapektuhan kahit ano kung siya ay papayagan natin maging witness dito sa reinvestigation ng Priority Development Assistance Fund scam. Kaya ‘yung motibo na ganu’n ay hindi po natin nako-consider dahil hindi po ‘yan relevant sa pinag-uusapan natin,” ayon pa kay Aguirre sa panayam sa isang telebisyon.

Magugunitang noong nakaraang linggo ng dumulog ang kampo ni Napoles sa DOJ upang iapela na maging state witness ang huli sa muling pagbubukas ng kaso kapalit ng pagtukoy sa iba pang pulitiko o indibiduwal na sangkot sa nasabing usapin.

7 Responses

  1. mind conditioning na naman,pero papipirmahin mo na nman na kayo ang nagsasabi kong sino ang dapat ituro,tapos sa inyo rin ang witness,sa inyo rin ang korte,at kayo rin ang magkukulong ang gagaling ,mga demonyo,,,,,asan na ang 50 million na napakinabangan nyo…

  2. KAYA BIGLANG KAMBYO ITONG GAGONG WIGGY THE PIG DAHIL SA PAGHANGAL NG OMBUDSMAN NA GAGAWING STATE WITNESS AT MALIPAT SA NBI CUSTODY. YABANG YABANG NIYANG MAGSALITA NOON NA AKALA MO KUNG SINO SIYANG MAKAPANGYARIHAN, UNGGOY….

  3. Sa pamumuno ni Aquirre, dahil sa kanyang kawalang ng kakayanan at katamaran….ang mga mismong kriminal ang sapilitan nyang ginagawang testigo……kaya ka nga nag iimbestiga, para makulong ang mga kriminal, sa kaso ng pamumuno ni Aguirre, ang mga kriminal ang kayang pinalalaya at ang mga inosente ang kanyang ikinukulong…hwag magtaka isang araw…lahat ng kriminal ang nakakalaya at ang mga inosente ang nasa kulungan…bwahahaahaaha

  4. Ibang klase ngayon…kung sino ang direktang may kinalaman sa krimen, sya pa ang ginagawang testigo….siyempre, ikaw ba naman pangakuan ng paglaya…lahat gagawin mo..kahit ang kasinungalingan…..