Napurdoy na Tsinoy nag-suicide, alagang aso dinamay

Unang binaril ang kanyang alagang aso bago tuluyang nagbaril sa sentido ang isang negosyanteng Tsinoy kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Wala nang buhay nang abutan ng kanyang company driver ang biktimang itinago sa pangalang Ferdie, 59, may-asawa, taga-Pilar St., Malate.

Nadiskubre rin na patay na ang alagang Shihtzu ng kanyang amo.

Sa imbestihasyon ni PEMS. Donald Panaligan, alas-10:00 ng umaga nang makarinig­ ng dalawang putok ng baril ang driver sa likod ng opisina sa fire exit ng Jade Garden Building sa 627 Honorio Lopez Boulevard sa Gagalangin, Tondo.

Nakuha sa tabi ng biktima ang isang caliber 38 na ginamit sa pagbaril sa sarili.

Tinitingnang anggulo sa suicide ang impormasyon na bankrupt na umano ang negosyo ng biktima. (Juliet de Loza-Cudia)