Narco- policemen pipigain na

Nasa ikalawang yugto na ng imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP)-Internal Affairs Service (IAS) sa mga tinaguriang narco-policemen.

Batay sa impormasyon ng PNP-IAS, sinabing isa-isa nilang ipinatatawag ang mga sumukong pulis mula sa police holding and accounting unit kung saan sila nakakustodiya para isailalim sa mas malalim na pagtatanong ng mga imbestigador.

Sa unang yugto ng imbestigasyon, kinuhanan pa lamang ang mga pulis ng kanilang judicial affidavit habang sa ikalawang yugto ay pipigain sila ng mga imbestigador upang matukoy kung sinu-sino ang mga kasabwat nila at gaano kalawak ang kanilang iligal na operasyon.

Napag-alaman sa pina­kahuling impormasyon na 43 pulis ang iniimbestigahan ngayon ng PNP-IAS habang ang natitira pang pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay mahigpit pa ring tumatangging may kinalaman sa nasabing illegal drug trade habang ang kalahati ay nangakong makikipagtulungan sa imbestigasyon.