Walang puwang sa ruling party PDP-Laban ang mga narco-politicians.
Ayon ito kay Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na siya ring pangulo ng partido matapos na pangunahan nito ang mass oath taking sa mga bagong miyembro ng partido sa bahagi ng Pampanga.
Binalaan ni Pimentel ang mga bagong miyembro ng partido na hindi sila magdadalawang isip na sipain sa partido oras na lumitaw ang kanilang pangalan sa listahan ng narco-politicians.
Sinabi pa ng senador na walang sinuman umanong opisyal ng partido ang susuway sa Pangulo partikular na kapag sinabi umano nitong sipain sa partido dahil sa pagkakasangkot sa droga.
“Kapag sinabi niyang nasa listahan ‘yan, wala na kaming magagawa diyan. And he only has one list in his mind and in his possession, the drug list,” ayon kay Pimentel.