Ikinatuwa pa ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez ang pagkakapasa ng matagal na nakabinbing na panukala upang tuluyang maipatupad ang isang natatanging eskuwelahan o institusyon na nakatutok lang sa komunidad ng palakasan na tatawaging National Academy of Sports (NAS).

“In the midst of the current crisis, the ratification of National Sports Academy was a positive sign and support of this government. We are thankful to Sen. Sherwin Gachalian and the Bicam group,” reaksiyon kahapon ni Ramirez, na isa rin sa nagtutulak nitong maging ganap batas dahil sa pagiging isang professor at educator sa Davao City.

Matapos ang 10-taong paghihintay , tuluyang niratipikahan sa bicameral conference committee ang noong Lunes ang Senate Bill No. 1086 at House Bill No. 6312, sa pagbalangkas ng unang NAS sa New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac.

Magiging sangay ang NAS ng Department of Education (DepEd) sa pakikipagtulungan ng PSC. Nasa bill din ang pagtatayo ng regional sports schools sa kapuluan ng bansa na tutustusan ng pamahalaan.

Si Gatchalian ang chairperson ng Senate committee on basic education, arts, and culture at siya ring pinuno ng Bicameral conference committee, habang si Sen. Christopher Lawrence Go ang principal bill author sa Senado. (Lito Oredo)