PANGASINAN — Namatay  ang isang lalaking nasa drug watchlist sa lungsod ng Dagupan matapos barilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Naglalaro ng table pool ang biktimang si Gera­r­do Edades, 49-anyos, residente ng Old Road Purok Centro Bolosan District sa lungsod nang barilin ng  suspek na sakay ng motorsiklo.

Nakatakbo pa ang biktima nang mapansin ang suspek subalit naabutan ito kaya pinaputukan ng tatlong beses na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Gayunman, inaalam ng mga awtoridad  kung may kinalaman sa operasyon ng  iligal na droga ang motibo sa pagpatay sa biktima.