Nasa hukay man ang 1 paa: tiamzon, BanKo kakasa pa!

nasa hukay man ang 1 paa: tiamzon, BanKo kakasa pa!

Batid ni BanKo team captain Nicole Tiamzon na kailangan pa nilang trabahuhin ang adjustment kasama ang kanilang bagong import na si Jeane “Stiix” Horton para pahabain pa ang 3rd Premier Volleyball League 2019 Reinforced Confe-rence best-of-three semifinals series.

Ginulat ng Perlas Spikers sa Game 1 semis ang PetroGazz at ang lahat nang isalang nitong Miyerkoles sa opener ang bagong import na si open spiker Horton na pinalitan si import Ya-semin Sahin Yildirim.

“Sobrang bilis kasi nagpalit kami ng import after nung last game sa Army tapos, kailangan din namin mag-adjust. I mean it’s not an excuse na ‘di rin nakapagpahinga ‘yung import, pag-je-jell ng team, new import, new position, nag-aadjust kami. So, still not bad for us to adjust ‘yung team namin this game,” pahayag ni Tiamzon.

Ngunit ganun pa man, ‘di pa rin pinalad ang Perlas Spikers, lumuhod sa ikatlong pagkakataon sa Angels tapos na dalawahan sila sa eliminations, 19-25, 15-25, 25-21, 12-25.

“Nawalan ng counter attack kasi if you’re against PetroGazz kailangan kung nakapatay sila, nakapatay ka ulit kasi kundi bubugbugin talaga nila, kailangan palitan ng puntos,” wika pa nito.

“Kailangan namin bumawi kasi kapag ‘di na kami nakabawi talo na kami ‘di ba? Maybe we’ll focus more, ‘yun nga sa team talaga namin kung paano namin makukuha ‘yung adjustment na kailangan namin para sa next game,”dagdag ni Tiamzon, na naka-12 points sa laban.

Ibubuhos na rin ng koponan ang lahat ng kanilang makakaya upang manatiling buhay sa torneo.

“May ilang araw pa kami para maghanda sa Sabado so let’s see kung ano talaga ‘yung magiging performance ng team and double time talaga lalo na may iba kaming ginagawa ngayon na ano dahil may new import kami,” wakas ni Tiamzon.

Do-or-die para ang BanKo sa Sabado sa Game 2 pagtatapat ng Angels sa Ynares Sports Center sa Antipolo. (J­aniel Abby Toralba)