Good news muna tayo. Dahil sa pagbaba­ ng generation charge ­kaya bababa rin ang singil sa kuryente ngayong buwan ng Enero. Ito ang magandang balita na inanunsiyo ng pamunuan ng Meralco.

Ayon kay Joe Zaldarriaga, bababa ang singil nila sa kuryente sa January bill. Ang bawas-singil ay bunsod umano ng pagbaba ng generation charge ng P0.2351 sentimo. Ito na, aniya, ang pinakamababang pagbaba ng generation charge simula noong Oktubre 2004.

Bagama’t tumaas ang transmission charge, bumaba rin naman ang singil sa taxes (value added­ tax, Universal charge at franchise tax), gayundin ang iba pang bayarin gaya ng systems loss charge, subsidies, feed-in tariff allowance.

Dahil dito, ang mga tahanang kumukonsumo ng 200 kwh ay mababawasan sa kanilang January­ bill ng P54, habang P81 ang mababawas sa mga kumukonsumo ng 300 kwh, P108 sa mga kumukonsumo ng 400 kwh at P135 sa nakakagamit ng 500 kwh.

***

Nais nating tutukan itong balitang ang Philippine Chamber of Commerce & Industry (PCCI), Ateneo De Manila University, San Beda College (Alabang) at ang mall owner ng Riverbanks Dev’t. Corp. ay nagsanib-­puwersa nang mag-file ng petition sa Korte ­Suprema noong December 27 ­para kuwestyunin ang regu­lasyon na inisyu ­kamakailan ng Department of Energy (DOE) at ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Nakasaad umano rito na ang mga power consumer na may monthly­ average peak demand na 1 megawatt (MW) ay inu­utusang talikuran ang kanilang kasalukuyang power supply contracts at pumasok sa bagong kontrata sa 23 suppliers na pinili lamang ng ERC.

Gusto ng ERC at DOE na ang mga big power consumers na kumukonsumo ng mula 1 megawatt pataas ay humanap ng ibang power suppliers. Ang tawag dito ay ­“contestable customer”.

Hanggang December 26 ang unang deadline para sila ay mag-comply. Kawawa ang mga mala­laking power consumers at pati na tayong ordinar­yong mamamayan.

Pinalawig nga ng pamahalaan ang deadline hanggang February­ 26, 2017, pero maigsi pa rin ang palugit. Sa puntong ito, hindi madaling­ humanap ng ibang ­Retail Electric Suppliers­ (RES) na makatutu­gon sa kanilang panga­ngailangan.­

Kung hindi gagawin­ ang nais ng ERC at DOE, mapuputulan sila ng kuryente. Hindi mada­ling gawin iyan sa loob lang ng dalawang buwan. Maaaring pagsamantalahan pa sila ng mga RES at tagain sila sa presyo.

Kapag tumaas ang ope­rational expenses ng isang business, tataas ang presyo ng mga produkto at tayong mamimili ang apektado.

Dapat ay protektahan nila tayo laban sa mataas na presyo ng kuryente. Ngunit sa puntong ito, ­nasaan ang proteksyon?