Samu’t saring reaksyon ang lumutang kasunod ng nangyaring paglibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).

Oo nga’t alam nating mangyayari ito dahil sa inilabas na desisyon ng Korte Suprema na pagpapahintulot na mahimlay ang dating pangulong diktador sa LNMB, hindi naman ito inaasahang mangyayari agad-agad.

Tama ang deskripsyon ng mga tutol sa paghihimlay kay FM sa LNMB, mistula ring ninakaw ang nangyaring paglibing kay Marcos sa LNMB dahil ginawa ito nang lingid sa kaalaman ng bayan.

Kung may nakakaalam man sa pangyayari ay iilan lamang na mga opisyal ng pamahalaan na pawang may papel sa gagawing paghahatid kay Marcos sa huling hantungan sa LNMB.

Kaya naman hindi na dapat ipagtaka pa ang pag-aalsa ng bayan, lalo na ng mga kaanak at biktima ng Martial Law.

Karapatan nilang tumutol at maghimagsik sa biglaang pangyayari dahil hindi pa nga naman nila nakakamit ang inaasam na hustisya, ay nahimlay na ang hinahabol nilang si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ang sa amin, anumang dahilan ang sabihin ng kampo ni Marcos, katulad ng hindi bilang isang bayani ang paghihimlay sa dating pangulo sa LNMB kundi bilang isa lamang pangulo at sundalo, hindi pa rin ito katanggap-tanggap sa mga naging biktima ng rehimeng Marcos.

Lalo lamang ginalit ng mga Marcos at ng gobyernong Duterte ang mga Martial Law victims sa kanilang ginawa.

Walang nangyaring rekonsilasyon sa pangyayari kundi lalo lamang ipinamalas ng pamahalaang Duterte ang kapangyarihan nitong gawin ang lahat ng kanyang naisin nang hindi isinasaalang-alang ang damdamin ng bawat Filipino.

5 Responses

  1. Sus e mga komunista naman yang martial law victim n Yan. Tingnan m nga mga picones nanggugolo pg d nakuha ang gusto. Ayaw i-respectfully yours decision ng SC. D nyo lng matanggap n after all these years major major ng mga Pinoy Marcos p rin

  2. ano sabi mo pag-aalsa ng bayan, ilan ba ang nag-alsa? lahat ba nag-alsa ang pagkakaalam ko mas marami ang pabor kaysa tutol.magkano ang bayad sa iyo para mag-sulat ng ganyan?

    1. Bakit safe kaba ngayon kpag nag alsa ka. Magcomment pa nga lang may magmumura na. Uso ang pagpapatay lalo na against at mahirap ka. Naghihintay lang ng tamang oras. Ung may maasahan ka na hustisya di ung panloloko sa kaisipan ng mamamayan. Mrami npagawa si marcos. Pero pera ng pilipino yan. At naging sakim s pwesto. ung iba ibinigay nya sa mga crony nya. Noong pinalayas. Dinala nya bilyon bilyon nsa swetzerland. N hanggang ngayon binabayaran pa ng kaapoapohan ntin. Walang hustisya s ngayon ka n maasahan. Nagppalaya p ng maempluwensya. Kaya sorry ka n lang kung mahirap ka. Di kami byaran. Mulat lang kami kung sino ung magaling magpaikot ng kaisipan. At makitid ang pananaw